USIG NG MASA: DIGONG HINDI DUMALO SA HEARING PROCEDURE NG ICC SA THE HAGUE

Sa nagpapatuloy na pagdinig kaugnay ng mga kasong isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC), muling binigkas ang kumpirmasyon ng mga akusasyon laban sa kanya—kaugnay ng madugong kampanya kontra droga na nagdulot umano ng pagkamatay ng mga biktima.

Hindi personal na humarap si Duterte sa naganap na hearing dahil, ayon sa kanyang kampo, sa kanyang kondisyon sa kalusugan. Samantala, patuloy namang nananawagan ng hustisya ang mga pamilya ng mga nasawi, na matagal nang naghihintay ng pananagutan kung saan ay sabay-sabay nilang pinanood ng live ang naganap na hearing sa The Hague kahapon, Pebrero 23.

Sa ganitong usapin, mahalagang manaig ang due process at ang patas na pagdinig upang matukoy ang katotohanan at maipagkaloob ang hustisya—anumang panig ang papanigan ng desisyon.

Mga ka-USIG, ano ang inyong pananaw sa hindi pagharap ni dating Pangulong Duterte sa naganap na hearing? Sa tingin ba ninyo, makaaapekto ito sa proseso ng kaso?

#usigngmasa

#usigpilipinas

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading