4 NA SUSPEK SA HAZING SA CAVITE, SUMUKO NA SA PULIS

03/10/2026

Ni Sid Samaniego

GEN. TRIAS CITY – Apat na kabataang pinaghihinalaang sangkot sa naganap na hazing incident noong Marso 1, 2026 sa Sitio Asiongan, Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City ang boluntaryong sumuko sa pulisya noong Linggo ng gabi.

Bandang 8:45 ng gabi, Marso 8, nagtungo ang mga suspek sa himpilan ng Gen. Trias Component City Police Station (CCPS) Main Station sa Brgy. Bagumbayan, Gen. Trias City kasama ang kanilang mga abogado at ilang kinatawan ng Tau Gamma Phi National Council.

Ayon sa ulat, personal na tinanggap ng Chief of Police ng Gen. Trias CCPS ang apat na suspek na kusang loob na nagpasailalim sa kustodiya ng pulisya kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanila sa Dasmariñas City.

Ang mga sumukong suspek ay kinilalang sina alyas “John”, 22 anyos, residente ng Trece Martires City, 3rd year student ng PNTC; alyas “Archie”, 21 anyos, residente ng Gen. Trias City, 3rd year PNTC; alyas Kenneth, 18 anyos, residente mg Montalban, Rizal, 1st year PNTC
John, 19 anyos, residente ng Zone 1-A Riverside St., Dasmariñas City.

Sinamahan ang mga suspek nina Atty. Colina at Atty. Olores, kasama ang mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 4A (RIU 4A) at mga kinatawan ng Tau Gamma Phi National Council.

Bawat isa sa kanila ay nagdala ng kani-kanilang sulat-kamay at pirmadong pahayag o undertaking, na inihanda sa tulong ng kanilang abogado na si Atty. Olores.

Matapos ang kanilang pagsuko, agad na itinala ng Gen. Trias CCPS ang detalye ng insidente at ang kanilang boluntaryong pagharap sa pulisya upang magsilbing opisyal na rekord para sa mga susunod na proseso ng imbestigasyon at kaso.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang buong pangyayari kaugnay ng hazing incident na naganap sa Dasmariñas City. ##

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply