Randy T. Nobleza, Ph.D.
Oriental, Mindoro – Sa pamamagitan ng Mindoro State University, City College of Calapan at Divine Word College of Calapan, idinaos ang Global Islands Conference noong Hunyo 5 hanggang 6 sa okasyon ng World Environment Day. May temang, “Innovative Pathways to Island Sustainability: Advancing Knowledge, Practice and Partnership for Sustainable Development Goals” kung naglahad ng mga papel pananaliksik ang mahigit sa 250 kalahok mula sa iba-ibang panig ng kapuluan sa pamamagitan ng zoom platform.


Naglahad din ang mga susing tagapanayam ng kani-kanilang papel umiinog sa nabanggit na paksa, mula sa University of Management and Technology, si Dr. Atif Hassan tungkol sa hinaharap ng turismo at artificial intelligence. Samantala, nagbigay naman ng oryentasyon mula sa Van Lang University si Dr. Ho Thi Than Nhan tungkol sa pamana at disenyo sa Ho Chi Minh City, Vietnam. Habang sa pangalawang araw, nagbigay ng panayam si Dr. Doris Ifeoma Ogueri ng Shinawatra University sa Bangkok Thailand tungkol sa climate change at environmental education. Panghuli, binuod ni Dr. Arian Beltran mula sa Qatar, knowledge, practice at partnership para makamit ang Sustainable Development Goals.
Ayon sa MInSU, mayroong apat na tunguhin ang GIC 2026, upang isulong ang interdisciplinary dialogue tungkol sa sustainability pathways at coastal systems, pangalaw ay para maitampok ang research-based innovations para sa kalikasan, kabuhayan at panlipunang sustenabilidad, pangatlo naman ang pagpapalakas ng pandaigdigan at inter-island partnership para sa pananaliksik, edukasyon at paggawa ng polisiya at panghuli naman ang mabigyan ng pansin ang mga inisyatiba sa Pilipinas sa ecosystem ng restoration, blue economy at cultural preservation.
Hinati ang GIC sa pamamagitan ng Human Development at Social Inclusion, Environmental Stewardship at Climate Resilience, Inclusive & Sustainable Economic Growth at Governance, Peace & Global Partnerships. Ang bawat kalahok sa GIC ay binigyan ng pagkakataon sa paglalahad gamit ang 12 slides at 10 minuto habang may nalalabing 10 minuto para sa mga tanong ng panel judge sa bawat cluster. Nagkaroon din ng pagkilala sa best presenter at best paper. Ang naging batayan sa Best Presenter ay mastery of content, clarity and organization, delivery and communication skills, visual presentation quality at response to questions. Habang ang basehan ng Best Paper Award ay originality and innovation, relevance and significance, methodological Rigor, Quality of Results and Discussion, Scholarly Writing and Organization. Ang mga mapipiling mga papel at pananaliksik ay inanyayahang maglimbag sa Daluyan ng Dunong, ang opisyal na journal ng MinSU. #


