Kolokyum na Dalumat XI isinagawa para sa ika-30 taon ng Sakuna ng llog Boac

11/03/2026

By Randy Nobleza, Ph.D.

Boac, Marinduque – Sa pamamagitan ng College of Arts and Sciences, idinaos ang ika-11 Kolokyum may temang “Anino ng Nakaraan, Liwanag ng Kinabukasan nang nakaraang Oktubre 27 hanggang 30 sa Marinduque State University lounge, old president conference room at sa pamamagitan ng google meet. Nakalahok din ang mga piling mananaliksik mula sa College of Environmental Studies, Australian National University, University of Canberra at University of Arizona upang gunitain ang tatlong dekada pagkaraan ng sakuna sa Ilog Boac.

Ang mga mag-aaral ng BA Communication, BA English Language Studies at BS Social Work ang nag-organisa ng apat na araw na kolokyum na may kasamang livestreaming ng Round Table Discussion kasama ang mga kinatawan ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), Cleanway Environmental Management Solutions (CEMSI) at Philippine Misereor Partnerships Inc (PMPI) kasama ang mga lider-estudyante mula sa Arts and Sciences Student Organization, Communication Society, Language Enthusiasts Society, Social Work Society at Litera Club.

Noong Oktubre 27, sinimulan ng BAC 2b at 2a na kumukuha ng Communication 203: Communication, Culture and Society kasama sina Dr. Emerson Sanchez mula sa UoC at Dr. Bryan Levina Viray galingsa ANU. Nauna nagbigay ng kopya si Dr. Viray ng ulat, “Damage that doesn’t make headlines, a mining disaster still devastates this island, 30 years on.” Karugtong ng naunang talakayan ng National Museum Marinduque, “Echoes of the Spil”” sa 30 taon ng sakuna sa Ilog Boac. Naglahad si Dr. Sanchez, “Mga Sakuna sa Pagmimina ng Marinduque 1975-1996. Katarungan, pagkilala, pag-asa.” Habang kasunod naman nagbahagi si Dr. Viray ng kanyang papel, “Dulaan at Pagtatanghal: Buhay na Dokumentasyon at Gunita. theatre and performance: living documentation and memory.”

Sumunod ang RTD nang Oktubre 28, sa umaga ay ang may pahapyaw sa maikling kasaysayan Marcopper disaster mula sa MACEC si Beth Mangol, samantala nagbigay naman ng konkretong hakbang ang CEMSI sa pamamagitan ni Tony Cejales at sa online nagtalakay ang PMPI, si Yolanda Esguerra tungkol sa Rights of Nature. Habang noong hapon, nagkaroon naman ng palitan ang mga mag-aaral na kinakatawan ng mga organisasyon ng ARTSSO, Comm Soc, LES, SW Soc at Litera Club.

Ang ikatlong araw noong Oktubre 29 ay lumipat sa old president conference room ang BA ELS 2a at 2b kasama si Sir Ronnel Nolos mula sa CES pero Fulbright scholar sa UoA. Nagbigay siya ng panayam, “When the Mine Disaster Never Really Ended – three decades of potentially toxic element contamination in Marinduque.” Binigyan diin niya ang PTEs lasama ang mga pinagmulan nito at posibleng epekto sa mga tao bukod pa sa buod ng kasaysayan ng sakuna ng pagmimina. Nagbigay din siya ng dagdag na konteksto sa mga pag-aaral mula 2019 hanggang 2024.

Ang huling araw ng Oktubre 30, nasa online ang mga BSSW 2b at 2a kasama ang tagapangulo ng CES at stipendium Hungaricum scholar sa Eotvos Lorand University sa Hungary si Mam Roja Medianista-Hetesi. Umangkla siya sa kolaboratibo at kwalitatibong pag-aaral, “Exploring the life and dangers of coastal dwellers living on a mine tailings deposition in Marinduque island.”  Kaugnay din ng Buwan ng mga Museo at Galeri, ang CAS Colloquium 2026 ay ambag din sa pagkatuto ng mga mag-aaral lampas sa apat na sulok ng silid-aralan.

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply