LACSON: ‘NON-NEGOTIABLE’ SI GATCHALIAN BILANG SUSUNOD NA SENATE PRESIDENT

05/23/2026

Iginiit ni Senator Panfilo Lacson na “non-negotiable” para sa kanilang minority bloc ang pagtalaga kay Senator Sherwin Gatchalian bilang susunod na Senate President kung magkakaroon ng pakikipag-ugnayan ang minority sa majority bloc sa Senado.

Sa panayam sa isang programang “Special on Saturday,” sinabi ni Lacson na naniniwala silang si Gatchalian ang maaaring maging katanggap-tanggap hindi lamang sa kanilang grupo kundi maging sa ilang senador mula sa mayorya.

Ayon kay Lacson, isa sa pangunahing layunin ng mga senador ay maibangon ang dignidad, integridad, at reputasyon ng Senado na aniya’y mababa ang tingin ng publiko sa kasalukuyan.

“Kasi sa aming pananaw, si Senator Sherwin ang pwedeng maging acceptable, hindi lamang sa aming minority group of 11, kundi sa ilang senador sa mayorya sa ngayon,” ani Lacson.

Dagdag pa nito, saan man umano mapunta ang kanilang usapan, palaging bumabalik ang layunin na maibalik ang tiwala ng publiko sa Senado at maiangat muli ang imahe ng institusyon. #

Courtesy: DIYARYO MILENYO

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading