Kung hanap mo ay bagong tambayan ngayong tag‑init, nandito na lahat ng patok at nakakaaliw na atraksyon sa Maple Grove township ng Megaworld sa General Trias, Cavite.
Fitness goals, food trip, family bonding, at resort‑style living, talagang napakaraming pagkakaabalahan sa Maple Grove na puwede mong balik‑balikan kasama ang barkada at pamilya.

𝟭. 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗧𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗘𝗥𝗔 𝗠𝗢
Mainit man ang panahon, presko ang mag-jogging, mag-yoga, o mag-bike sa kalsada at open spaces ng Maple Grove dahil malawak ang espasyo rito.
At kung gusto mo ng bagong sport ngayong summer, subukan ang pickleball courts tuwing weekend — trending na, masaya pa!

𝟮. 𝗙𝗢𝗢𝗗𝗜𝗘 𝗖𝗥𝗔𝗪𝗟
Mabubusog ka sa dami ng masasarap na pagkain sa food parks at food trucks sa Maple Grove, gaya ng Ilocos empanada, Dubai chewy chocolate cookies, smash burgers, skewers, at iba pa!
Dagdag pa ang café hopping para sa coffee fix na hanap mo — swak sa init ng panahon.

𝟯. 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗧𝗦
Perfect ang Maple Grove kung naghahanap ng libangan para sa mga bata at fur babies ngayong tag-init!
May playgrounds para sa kids, fiesta‑style attractions and activities, rides, concerts, at pop‑up events.
At kung gustong mag-party ngayong bakasyon, puwede itong gawin sa The Tent na kayang mag‑host ng hanggang 500 katao.

𝟰. 𝗜-𝗙𝗟𝗘𝗫 𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗟𝗗𝗘𝗡 𝗛𝗢𝗨𝗥 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 𝗠𝗢
Kapag tag‑init, mas cinematic ang golden hour. Hindi na kailangan ng filter — pang‑social feed agad ang shots na makukuha mo kahit nasaan ka sa township.

𝟱. 𝗔𝗥𝗔𝗪-𝗔𝗥𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧‑𝗦𝗧𝗬𝗟𝗘 𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚
Hindi lang pang‑summer trip — puwede mong gawing daily lifestyle lahat ng ito dahil kumpleto ang essentials sa Maple Grove, mapa-trabaho, restaurants, convenience stores at iba pa.
May residential condos tulad ng The Verdin, La Cassia Residences, at Maple Park Residences.
Nariyan rin ang Maple Grove Park Village na inspired ng luxury spa resorts, at may napakagandang clubhouse pa.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa Maple Grove at sa iba’t ibang proyekto sa Megaworld township na ito sa General Trias City, Cavite, bisitahin ang maplegrove.ph.
Phone: +63 8403‑7016 o +63 917‑8876223
Social media pages:
@maplegrovecaviteofficial (Facebook)
@maplegrovecavite.ph (Instagram)
