By Randy T. Nobleza, Ph.D
Boac, Marinduque – Pinasinayaan ang bagong eksibit ng National Museum Marinduque, ang The Living Shores of Marinduque: Science, heritage and conservation. nang Hunyo 8 (Lunes) kasabay sa World Oceans Day bilang pakikiisa sa okasyon. Nagbigay ng mensahe sa pamamagitan ng video recording ang deputy director General na si Arvin Villalon sampu ng NM DG si Jeremy Barns.


Bilang kinatawan ng punong lalawigan, binigay ni John Fernandez ng provincial disaster risk reduction and management ang mensahe ni Gov. Melecio Go. Dumalo din ang bokal na tagapangulo ng komiteng pangkapaligiran si Antonio Mangcucang III para sa pagpapasinaya. Lumahok din ang provincial tourism and cultural office si Rino Labay sa okasyon. Dumating din ang mga tagasektor ng edukasyon ang Kagawaran ng Edukasyon, Marinduque National High School maging ang Marinduque State University.
Ang eksibit na Living Shores of Marinduque ay hango sa mga ecosystem ng baybay ng isla, koleksyon ng NM Natural History Museum at saliksik ng zoological division nito kasama ang pananaliksik ng De La Salle University (Bro. Alfred Shields FSC Ocean Research Center)SHORE.
Pagkatapos ng pagpapasinaya, nagkaroon ng tradisyonal na pagpuputong sa mga bisita taga NM at DLSU sa Casa Real ng Boac. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok, mula sa sektor ng turismo mula sa lalawigan at bayan ng Mogpog na paghandaan ang idaraos na Philippine Experience sa darating na Hunyo 23 hanggang 26. Gayundin, mayroong mga potensiyal na kolaborasyon mula sa Kolehiyo ng Agrikultura at Pangisdaan ng MarSU kasama ang NM Marinduque para pasiglahin ang bagong eksibit.
Photo credits: Erwin Pinafiel


