SILANG, Cavite — Isinusulong sa Silang ang mga proyekto para mapabuti ang suplay at serbisyo ng tubig sa mga barangay, katuwang ang HIRAYA Water Corporation at Silang Water District.
Kabilang dito ang pipeline rehabilitation sa AFP Housing Barangay Bulihan, gayundin ang source development projects sa Narra 2, Magagnon, Tibig at Pulong Saging, na inaasahang makatutulong sa libo-libong service connections.
Partikular ding tututukan ang mga lugar na matagal nang nakararanas ng problema sa suplay ng tubig, kabilang ang Barangay Bayani, upang magkaroon ng mas tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo.
#CalabarzonTrends


