PBBM, NANATILING PINAKAMATAAS ANG RATING SA SURVEY; VP SARA, BUMABA ANG APPROVAL

05/17/2026

Nanatiling may pinakamataas na performance rating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hanay ng matataas na opisyal ng pamahalaan, batay sa inilabas na independent at non-commissioned survey ng RPMD Foundation Inc.

Sa “Boses ng Bayan” survey na isinagawa mula Abril 1 hanggang 8, 2026, nakapagtala si Marcos ng 57% Index of Governance (IOG), kalakip ang 56% trust rating at 58% approval rating—pinakamataas sa mga opisyal na isinama sa pag-aaral.

Ayon sa RPMD, nananatiling malakas ang suporta kay Marcos partikular sa Luzon, habang nakitaan din umano ng pagtaas ng suporta sa Mindanao.

Samantala, si Vice President Sara Duterte ay nagtala ng 54% IOG score, na nakabatay sa 57% trust rating at 51% approval rating. Bagama’t nananatili siyang may pinakamataas na trust rating, sinabi ng RPMD na siya naman ang may pinakamababang approval rating sa mga senior political leaders na kasama sa survey.

Isinagawa ang survey sa 5,000 respondents sa buong bansa at may ±1% margin of error sa 95% confidence level. #

Courtesy: CALABARZON TRENDS

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply