Ni Sid Samaniego

CAVITE CITY — Todo ang ningning ng talino at talento ng mga estudyante ng Cavite National High School – Senior High School (CNHS-SHS) matapos mag-uwi ng sangkatutak na parangal sa Robotics Challenge Unlimited 2026 na ginanap noong Pebrero 28, 2026 sa Montano Hall sa Cavite City.

Pinatunayan ng CNHS robotics team na sila ang isa sa pinakamalakas na koponan sa bansa pagdating sa robotics matapos dominahin ang iba’t ibang kategorya ng kompetisyon.

NON-PROGRAMMABLE OPEN CATEGORY, NILAMON NG CNHS

Sa naturang kategorya, walang nakapigil sa husay nina Arzeus C. Alaban at Andrei Jiggerson Samaniego na itinanghal na CHAMPION.

Hindi rin nagpahuli ang kanilang mga kaeskuwela:

1st Runner Up: Justine D. Fernandez & Prince Daren A. Tebelin


2nd Runner Up: James Clarence Z. Camacho & Kenneth Clarence Adriatico


6th Place: John Macklein D. Valdez & Jun Carlo Diacan


7th Place: Jaeden Rysh L. Topacio & Arryanne M. Sueco


8th Place: Bryzen Villanueva & Lyra D. Santiago

Mistulang CNHS ang naghari sa entablado habang isa-isang tinatawag ang kanilang mga pangalan.

MBOT V2 CATEGORY, PASOK DIN!

Sa MBot V2 Category, muling nagpakitang-gilas ang mga Caviteño:

8th Place: Chloe Mykhaella E. Flordeliz & Claude Ron R. Abriol
10th Place: Kelvin Caisser Javier & Lourd Jaden Javier

LINE TRACING, MAY PARTISIPASYON AWARD

Hindi rin nagpahuli sina Jamila Fay C. Espura at Lyra D. Santiago na tumanggap ng Participation Award sa Programmable Line Tracing Category.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, buo ang determinasyon ng CNHS-SHS robotics team na mas paghusayin pa ang kanilang kakayahan para sa mga susunod na laban.

Sa kanilang panalo, hindi lamang paaralan ang kanilang pinarangalan kundi buong Cavite.

Patunay na ang kabataang Caviteño ay kayang makipagsabayan sa larangan ng teknolohiya at inobasyon. #END

PinchLink PH Media's avatar

By PinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink PH Media Group

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading