Ngayong Miyerkules Santo o kilala rin sa tawag na Spy Wednesday, kasabay din ng April Fools’ Day, naaalala natin ang kuwento ng pagtataksil at pagkakanulo kay Hesukristo. Isang paalala ito sa atin na pagnilayan ang mga huling sandali ng Panginoon kung saan Siya ay ipinagkanulo ni Judas at itinatwa ni Pedro ng tatlong beses.

Sa kabila ng lahat, hindi nagtanim ng galit si Hesus. Bagkus, ipinakita pa rin Niya ang wagas na pagmamahal at pagpapatawad sa Kanyang mga alagad at sa buong sambayanan.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa atin na ang pagtataksil, panlilinlang at pagsisinungaling sa kapwa maging sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan, o sa ating sarili ay walang mabuting maidudulot.

Ngayong araw din na kilala sa mga biro at kalokohan, sana’y huwag nating gamitin ito upang makapanloko o makapanakit ng iba. Lalo na sa panahon ngayon na laganap ang fake news at deepfake sa social media.

Mas piliin nating ipalaganap ang katotohanan, respeto, at kabutihan. Hindi ang panlilinlang para lamang sa pansariling interes.

Magmuni-muni tayo ngayong Miyerkules Santo. ##

PinchLink PH Media's avatar

By PinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink PH Media Group

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading