MANILA, Philippines – Inaasahang muling tataas ang presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo habang nagpapatuloy ang digmaan sa Gitnang Silangan, ayon sa mga source mula sa lokal na industriya ng langis nitong Biyernes.

Ayon sa kanila, posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng humigit-kumulang ₱17 hanggang ₱19 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring madagdagan ng ₱3 hanggang ₱5 kada litro.

Ang mga pagtatayang ito ay batay sa apat na araw ng trading ng Mean of Platts Singapore, na siyang batayan ng presyo ng mga refined oil products sa Timog-Silangang Asya.

Matatandaang ngayong linggo ay tumaas na rin ang presyo ng diesel ng nasa ₱4.50 hanggang ₱12.90 kada litro, at ₱2.90 naman sa gasolina. #RBM

News Source: The Manila Times

PinchLink PH Media's avatar

By PinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink PH Media Group

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading