Ni Sid Samaniego

Isang maayos at organisadong pagtutok sa kaligtasan ng publiko ang isinagawa ngayong Semana Santa sa bayan ng Rosario, Cavite sa pangunguna ng Rosario Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa bisa ng kautusan ni Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng kanilang inisyatiba na matiyak hindi lamang ang kaligtasan kundi pati ang kaayusan, kalusugan, at kapakanan ng bawat mamamayan at bisita sa buong panahon ng Mahal na Araw.

Kabilang sa mga katuwang ang Philippine Red Cross, Rosario Philippine National Police, Knights of Columbus, at ang Rosario Health Unit.

Nag-deploy ang mga nasabing grupo ng mga personnel sa mga pangunahing lugar tulad ng simbahan, kalsada, at iba pang dinarayo ng publiko.

Nagkaroon din ng mga medical stations at assistance desks upang agad na matugunan ang anumang emerhensiya, kabilang ang mga insidente ng pagkapagod, dehydration, at iba pang health concerns.

Samantala, patuloy na pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat, sumunod sa mga alituntunin, at agad na makipag-ugnayan sa mga nakatalagang responder kung kinakailangan.

Sa kabuuan, habang sinusulat ang artikulong ito ay naging maayos at mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa Rosario, bunga ng sama-samang pagkilos ng mga ahensya at organisasyong nagkakaisa para sa kaligtasan ng mamamayan. #

PinchLink PH Media's avatar

By PinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink PH Media Group

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading