Idinaos ang Araw ng KADIPAN (Kapisanan ng Diwa at Panitik) noong 25 Agosto 2026 sa Metro Manila College sa Novaliches, Lungsod Quezon, sa ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyon, at naging panauhing tagapagsalita si Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran.



Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, lalo na sa akademya. Aniya, mahalaga na patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral at mamamayan na pahalagahan at mahalin ang wikang pambansa bilang salamin ng kanilang pagkakakilanlan. Ipinaliwanag din niya ang tema ng pagdiriwang ngayong taon.
Sa huli, ipinaalala ni Tagapangulong Barrios-Taran na sa patuloy na pag-unlad ng akademya, dapat ding umunlad ang wikang ginagamit upang magkaunawaan, magkaisa, at makapaglingkod sa bayan ang mga mag-aaral sa hinaharap. #
Press Release Mula sa Komisyon sa Wikang Filipino


