๐„๐€๐‘๐ˆ๐’๐“, ๐ง๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐š๐๐ก๐ข๐ค๐š๐ข๐ง ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฐ๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ

Bumisita at nakipagpulong ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Eulogio ‘Amangโ€™ Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) noong 18 Pebrero 2026 upang ihain ang mithiin at panukalang magtatag ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa pamantasan at upang higit pang pagtibayin ang ugnayan ng KWF at EARIST sa pagtataguyod ng wikang pambansa at kulturang Pilipino.

Pinangunahan ni KWF Tagapangulo Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama si Komisyoner Benjamin M. Mendillo Jr, ang opisyal na pagbisita at pakikipagpulong kay EARIST Pangulo Rogelio T. Mamaraldo.

Personal ding nilibot nina Barrios-Taran at Mendillo ang mga silid-aralan upang makahalubilo ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ipinakilala ng dalawa ang mga programa ng komisyon na naglalayong mas mapalapit ang wikang pambansa sa mga kabataan.

Layunin ng pagtatayo ng SWK na maging magkatuwang ang KWF at EARIST sa pagpapatupad ng mga programang pangwika, pananaliksik, at proyekto na magpapayaman sa kultura at identidad ng bansa. #END

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading