TANZA, CAVITE — Ibinahagi ni Tanza Mayor SM Matro ang kanyang naging karanasan bilang biktima umano ng mapanirang impormasyon o fake news sa social media noong panahon ng kanyang pagtakbo bilang alkalde.
Sa isang maiksing panayam ng Calabarzon Trends kay Mayor Matro, nanawagan ang alkalde sa mga Caviteño kung saan talamak ang fake news sa lalawigan ng Cavite na maging mapanuri sa mga nababasang impormasyon online, at piliin ang mga lehitimong source ng balita.
Aniya, hindi sapat na basta paniwalaan ang mga nakikita sa social media posts, lalo na kung walang malinaw na basehan at kung ito ay naninira ng reputasyon ng isang indibidwal o naglilingkod sa bayan.
Samantala, patuloy namang hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na iwasang magbahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon at i-report ang mga mapanlinlang o mapanirang content sa tamang ahensya gaya ng pag-report nito sa kapulisan, NBI cybercrime at iba pang mapagkakatiwalaang ahensya. #
Matro Bros.
#CalabazonTrends
#NoToFakeNews


