MAYOR MAGBITANG, PINUNTIRYA NG FAKE NEWS AT MGA ISPEKULASYON SA UMANO’Y KASO AT SUSPENSION

PHOTO CREDIT: MAYOR ROMMEL MAGBITANG/Facebook

NAIC, Cavite — Pinupuntirya ngayon ng diumano’y samu’t saring fake news, pambabatikos at mga ispekulasyon si Naic Mayor Rommel Magbitang, kabilang ang mga alegasyon tungkol sa umano’y mga kasong kinahaharap nito at posibilidad ng kanyang suspension.

Naging usap-usapan din sa social media ang pamamahagi ng ayuda, kabilang ang bigas at cash assistance, gayundin ang pagbabahay-bahay ng alkalde na ayon sa ilang kritiko ay umano’y pakitang-politika lamang.

Maging ang isyu ng basura sa Naic ay naging bahagi rin ng mga pambabatikos, kung saan pati ang ama ng alkalde ay nadadamay sa ilang komento at usapin.

Kamakailan, kumalat din ang mga espekulasyon na si Mayor Magbitang diumano ang isa sa mga lokal na opisyal sa Cavite na nakatakdang masuspinde dahil sa diumano’y mga nakabinbing kaso. Gayunman, wala pang opisyal na kumpirmasyon o dokumento na inilalabas na magpapatunay sa naturang mga alegasyon, kaya nananatili itong isang ispekulasyon lamang, sa madaling sabi, WALANG KATOTOHAN ANG MGA PARATANG.

Patuloy na usapin ang problema sa basura bilang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng pamahalaang lokal at mga mamamayan ng Naic bagay na ginagawan ito ng solusyon at aksyon.

Samantala, napag-alamang natukoy na ang isa sa mga fake accounts kung saan nabatid ang IP address nito at ang cellphone na ginamit sa pagpapalabas ng fake news laban kay Magbitang.

Pinaaalalahanan ang mga naicqueño na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon at tiyaking nagmumula ito sa mapagkakatiwalaan at opisyal na sources bago ipakalat sa social media.

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading