GOLD TRADER, KINUYOG AT PINAGNAKAWAN HABANG MAY MEET-UP SA TANZA

TANZA, CAVITE — Isang gold trader ang sugatan matapos kuyugin ng apat na lalaki at paghahatawin ng tubo sa ulo bago pagnakawan habang hinihintay ang kanyang ka-meet-up sa isang transaksyon sa Brgy. Capipisa, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas “Ed” na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Tanza Doctors Hospital at nasa ligtas nang kalagayan.

Ayon sa pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi nang magtungo ang biktima sa lugar upang makipagkita sa kanyang katransaksyon na si alyas “Jessa” para sa bentahan ng ginto.

Bigla umanong dumating ang apat na suspek at agad siyang pinagtulungang kuyugin at pinukpok sa ulo gamit ang tubo, dahilan upang bumagsak ito.

Tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng pera, dokumento, IDs, at cellphone saka mabilis na tumakas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung may kaugnayan ang babaeng katransaksyon sa insidente.

Source: Philstar

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading