MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na dapat magpatayo ng sariling mental health clinic ang Senado upang tugunan ang mabigat na trabaho ng mga mambabatas.
Sa isang radio program, sinabi ni Remulla na dahil sa impeachment trial, regular na sesyon, at paparating na budget hearings, kailangang may mas matibay na suporta para sa mental health ng mga senador.
Ayon sa kanya, may umiiral na mental health crisis sa bansa ngunit wala pa ring komprehensibong national program para rito.
Binanggit din niya na may itinatag na mental hospital sa Cavite, ngunit nahihirapan umano itong patakbuhin.
Source: Abante


