5-Taong Termino para sa Barangay at SK Officials, pasado na sa Kamara; Eleksyon, itatakda sa 2028

PHOTO CREDIT: POLITIKO

MANILA, Philippines โ€” Inaprubahan ng House of Representatives noong Setyembre 8, 2026 ang panukalang magtatakda ng fixed five-year term para sa mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Sa botong 211 pabor, 13 kontra, at 1 abstention, pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10971.

Kapag naging ganap na batas, papalitan nito ang kasalukuyang apat na taong termino at gagawing limang taon ang panunungkulan ng barangay at SK officials.

Dahil dito, ililipat ang Barangay at SK Elections mula Nobyembre 2026 patungong ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, at susunod na gaganapin kada limang taon.

Nililimitahan din ng panukala ang termino ng barangay officials sa dalawang magkasunod na termino, habang ang SK officials ay mananatili sa isang termino lamang. Hindi na rin papayagang tumakbo sa 2028 ang mga kasalukuyang opisyal na lampas na sa tatlong magkakasunod na termino.

Ang hindi nagamit na pondo para sa nakatakdang 2026 elections ay mananatili sa COMELEC bilang continuing appropriation para sa paghahanda sa 2028 polls.

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading