𝐊𝐖𝐅, 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞

Dumalo si Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran at Komisyoner Carmelita C. Abdurahman ng Komisyon sa Wikang Filipino sa isinagawang Public Hearing ng Committee on Culture and the Arts noong 4 Pebrero 2026, sa tanggapan ni Sen. Ralph Recto sa Senado ng Pilipinas.

Pagsuporta ito ng KWF sa pagtalakay ng dalawang panukalang batas na isinulong ni Sen. Loren Legarda, ang Senate Bill No. 817 at 818.

Ang SBN 817 (Department of Culture Act) ay ang paglikha ng isang ganap na departamento na magbubuklod sa mga ahensiyang pangkultura upang mas mapalakas ang pagpapaunlad ng pambansang identidad.

Samantala, pinalalawak ng SBN 818 (Expansion of NCCA Board) ang komposisyon ng lupon ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at pagtatatag ng mga rehiyonal na tanggapan at kultural na pasilidad upang masegurong abot-kamay ang serbisyo sa bawat rehiyon.

Kasama ring dumalo sa publikong pagdinig ang iba pang ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa sining at kultura. #

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading