CAVITE CITY – Limang katao ang timbog matapos masakote sa magkahiwalay na operasyon ng PNP-Maritime Group laban sa iligal na pangingisda sa karagatan ng Cavite City noong Marso 4.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga tauhan ng Cavite Maritime Police Station at 3rd Special Operations Unit nang mamataan ang dalawang fishing banca na gumagamit ng ipinagbabawal na lambat habang nangingisda at wala ring kaukulang permit.

Agad na inaresto ang limang suspek at sinamsam ang kanilang dalawang bangka, dalawang marine engine at iba’t ibang fishing paraphernalia kabilang ang trawl at gill net.

Nakumpiska rin ang mga nahuling isda at iba pang lamang-dagat na may kabuuang halagang aabot sa ₱573,200.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10654 o Philippine Fisheries Code.

Dinala ang mga naaresto at nakumpiskang ebidensya sa kani-kanilang Maritime Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Ayon sa PNP-Maritime Group, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa illegal fishing upang maprotektahan ang yamang-dagat at ang kabuhayan ng mga lehitimong mangingisda.

Nanawagan din ang pulisya sa publiko na makiisa sa pagbabantay sa karagatan at agad iulat ang anumang iligal na gawain sa pangingisda. #

Ni Sid Samaniego

PinchLink PH Media's avatar

By PinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink PH Media Group

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading