Impeachment Proceedings vs. VP Sara Duterte to Continue Despite Supreme Court Petition

03/31/2026 #Balita, #news, #politics

Ni Rex Molines

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng House of Representatives ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na buwan, kahit may petisyon nang inihain sa Supreme Court of the Philippines ng ilan sa kanyang mga tagasuporta.

Ayon kay Ysabel Maria Zamora, inaasahan na ng Kamara ang naturang hakbang ng kampo ni Duterte dahil normal lamang na gamitin ng mga abogado ang lahat ng legal na remedyo.

Sinabi rin niya na magpapatuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Gerville Luistro, alinsunod sa 1987 Constitution at sa mga patakaran ng impeachment ng Kamara.

Nagsimula na ang clarificatory hearings noong Marso 25 matapos mapag-alamang sapat sa porma, substance at grounds ang dalawang impeachment complaints na inihain nina Fr. Joel Saballa at abogado na si Nathaniel Cabrera.

Sa kasalukuyan, tinutukoy ng komite kung may probable cause o sapat na basehan upang maisulong ang kaso sa Senado para sa paglilitis.

Nakatakda ang mga susunod na pagdinig sa Abril 14, 22 at 29, bago muling magbukas ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 4.

Samantala, inihain ni lawyer Israelito Torreon ang petisyon sa Korte Suprema upang humingi ng temporary restraining order (TRO) laban sa proceedings. Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi siya direktang sangkot sa naturang petisyon, kahit maaari siyang makinabang kung papabor ang desisyon ng korte. #RBM

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading