Posibleng tumaas ang presyo ng de-latang sardinas kapag ipinatupad ng Department of Health ang Philippine Nutrient Profile Model (PNPM), ayon sa Sardines Association of the Philippines.
Ayon sa grupo, maaaring magdulot ng dagdag-gastos sa mga manufacturer ang panukalang nutrient standards ng DOH, lalo na sa mga requirement kaugnay ng food labeling at nilalamang asin, taba, at iba pang sangkap ng mga processed food products, kabilang ang sardinas.
Dahil dito, may pangamba umano na maipasa sa presyo ng produkto ang dagdag na gastusin sa produksyon.
Samantala, wala pang pinal na desisyon hinggil sa implementasyon ng naturang polisiya. Patuloy namang mino-monitor ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng halaga ng mga basic goods. #
Courtesy: CALABARZON TRENDS


