NAIC, Cavite — Kuha ang larawang ito kaninang 6:05 ng umaga kung saan makikita ang ilang mga pasahero na naghihintay ng ordinary bus biyaheng Zapote-Bacoor, Cavite.
Ayon sa ilang concern citizens, halos isang oras na sila naghihintay ng masasakyang bus kahit ordinary bus lang sa harapan ng Naic Police Station, Hillsview, Brgy. Timalan-Balsahan sa nasabing bayan patungong Zapote-Bacoor ngunit bilang lang sa daliri ang pagdating ng mga bus. Tanging PITX Busses at baby bus na biyaheng Rosario-Kawit lamang ang dumarating.
Aniya, batid naman ng lahat ang kamahalan ng presyo ng krudo at gasolina kung kaya’t marami ang dumadagsang mananakay.
Panawagan ng mga pasahero na sana ay magkaroon ng terminal sa nasabing lugar kung saan maraming mga pasahero ang naghihintay at umaasa na makakasakay patungo sa kani-kanilang dedtinasyon.
Dagdag pa nila, marami na rin umano ang naninirahan sa mga bagong tayong subdivision sa naturang lugar kung kaya’t nais nilang maiparating din ang kanilang hinanaing sa Pamahalaang Lokal ng bayan ng Naic. #


