CONG. LEANDRO LEVISTE, MAMAMAHAGI NG 1 MILYONG SAKO NG BIGAS SA MGA HINDI NAKATANGGAP NG AYUDA SA BATANGAS

Inanunsyo ni Leandro Leviste ang pamamahagi ng 1 milyong sako ng bigas para sa mga pamilyang hindi pa nakatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa buong lalawigan ng Batangas.

Sa panayam sa Kapihan ng Samahang Plaridel, sinabi ni Leviste na personal niyang popondohan ang naturang programa kaya’t wala umanong magiging gastos ang gobyerno. Iginiit din niya na walang pipiliin sa pamamahagi at hindi dapat nagiging batayan ng pulitika ang pagbibigay ng tulong sa mga barangay at pamilya.

Ayon pa sa kongresista, may ilang barangay sa kanyang distrito na hindi umano nakatanggap ng ipinangakong ayuda kahit mayroon nang nakatakdang distribusyon. Dahil dito, hinikayat niya ang mga lokal na opisyal na makipagtulungan upang masiguro na makarating ang ayuda sa lahat ng nangangailangang Batangueño.

Nanawagan din si Leviste sa mga residente na makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay at tanggapan ng alkalde upang malaman ang iskedyul ng pamamahagi ng bigas sa kanilang lugar. #

Courtesy: CALABARZON TRENDS

PinchLink PH Media's avatar

ByPinchLink PH Media

A Digital news hub for the latest in brands, lifestyle, construction, innovation, business, events, entertainment, community development and good governance.

Leave a Reply

Discover more from PinchLink Media Network

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading